5.26.2013

Wag daw "puruhan"

Sabi ni Ser Teo Marasigan, "hindi naman kailangang puruhan" si Bb. Aba Lluch Dalena kaugnay ng paninisi sa mga maralita, na nag-trending sa mga social networking site na tulad ng Facebook at Twitter.

Sang-ayon naman ako. Talaga namang walang dapat "puruhan." Pero dahil kilalang tao si Bb. Dalena, ang kanyang "personal na opinyon" na inilathala sa Facebook at nabasa ng marami, ay nagiging public statement. Isang publikong pigura si Bb. Dalena, kaya siya ay pinakikinggan, sinusundan, pinaniniwalaan at sinususugan pa nga ng iba. At dahil dito'y kailangan niyang maging maingat at responsable sa mga sinasabi niya.

Pwedeng i-click ang larawan para lumaki at mabasa nang buo.

Samantala, may nagkomento sa nakaraang post ko--isang nagpakilalang "Aba Lluch Dalena:"

I-click para lumaki at mabasa nang buo.

Kay Bb. Aba Lluch Dalena, subukan po kaya ninyong ilagay ang inyong pag-asa sa masa? Tutal, sila naman ang araw-araw na gumagawa ng pagkain, maging ng mga isusuot at gagamitin natin. Sila ang mas nakararami, ngunit marami rin sa kanila ay atrasado. Kung maiaangat lamang ang kanilang antas-pampulitika, maaasahan nating magbabago ang kasalukuyang kalagayan.

P.S. Matagal na po akong hindi naniniwala sa panalangin.

No comments:

Post a Comment