6.15.2013

Kung hindi ito nakakainsulto, ewan ko kung ano

Lahat nang gasgas na imaheng ginamit bilang representasyon sa mga dehadong sektor e narito na--babaeng suot ang bandila ng Pilipinas habang kumakawala sa kadenang bakal, pabrika na may nakasulat na "factory" (Hello, bobo ba 'yung titingin?), plakard, mapulang langit, atbp. Mayroon pang "dialectical materialism" sa tabi. "Dialectical materialism" ito? Ito na ba 'yun? Alam ba talaga ni Pareng Norberto kung ano ang "dialectical materialism?" E nang makita ko ito'y hindi ako nakaramdam ng...ewan ko ba, ano bang dapat maramdaman ng mahirap kapag sila ang ipinipinta ng mga artist na tulad ni Norberto Roldan? E yung babae sa painting niya, mas pangit pa sa mga lumang bilbord ng pelikula. Pagkainis at pagkainsulto lang ang naramdaman ko. Para sa masa ba itong painting na ito? Parang hindi.

Bilbord ng mga lumang pelikula

Dialectical materialism daw.

"Mahilig" by Norberto Roldan

No comments:

Post a Comment