5.15.2013

Sinisisi ba tayo ni Aba Lluch Dalena?


Pasensya na po, Bb. Aba Lluch Dalena. Pagpasensyahan n'yo na po kami't ibinoto namin ang sinasabi ninyong magnanakaw na nga, manloloko at babaero pa. Nakakahiya naman po sa inyo. Ang tanga-tanga po ba namin, na ipinapanalo pa namin ang mga politikong sinasabi mong nakasanayan na namin? Pero tanungin ko nga po kayo: may pagpipilian po ba kami? Kung ang nanalo ay 'yung dating pulis, pupurihin mo ba kami? Kami ba ang dapat sisihin, Bb. Aba Lluch Dalena? Pasensya na po kayo.

P.S. Ang cute n'yo po dito sa picture na ito:



P.P.S. Pasensya na rin po kay Bb. Georgina Wilson. Pagpasensyahan n'yo na po ang aming katangahan.


1 comment:

  1. Dear Mr.Madiaga, Pasensya na po kung hindi nyo kagustuhan ang status sa aking Facebook account noong bago pa lamang lumabas ang resulta ng nakaraang halalan at kung na-offend po kayo, hindi ko po ito sinasadya at hindi ko naman po sinasabing tanga ang mga bumoboto. Pasensya na po kung tila ganoon ang dating ng aking sinulat. Ako lamang po ay tulad ng marami na sa ating nawawalan at nanghihinaan na ng pag-asa. Ito po ay aking personal na opinyon at tunay na nararamdaman sa aking pagkadismaya. Bugso po ito ng aking naramdamang pagkadismaya sa ating sistema sa gobierno at sa kumplikadong situwasyon ng ating bansa. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng ating mga opinyon at desisyon,pag-iisip, patuloy pa rin tayong manalangin na ang ating bansa ay patungo pa rin sa tunay na pagbabago at kaunlaran. Aba Lluch Dalena

    ReplyDelete