2.11.2016

CCP 13 Artists Awardee Renan Ortiz: "Weno naman kung manyakis at bastos si Duterte?!?"


Ang husay mo Renan! Isa kang tunay na progresibong aktibista! Weno naman kung bastos, manyak, at baboy si Duterte, noh? Di na mahalaga kung gaano karaming mga babae ang binalahura niya, di ba?! Hahahahahahahaha

Nyeta ka.

11.09.2014

Happy birthday Dean Roland!

Ansabe ni Dean Roland Tolentino sa mga jeje haters dyan: "Mamatay kayo sa inggit."

Ikaw na Dean Roland, ikaw na talaga! 

Sasabihin ko rin yan sa mga nasalanta ng bagyo sa Tacloban!

Happy birthday Dean Roland, pa-inom ka naman sa Sarah's!!! Woohooo!!!




6.09.2014

Ang ganda ng mga gawa ni Louie Cordero no?

Bakit? Kasi hindi siya ang gumawa.

Sinong gumagawa ng mga trabaho ni Louie Cordero? Sino pa, e di itong mga "unskilled workers" na tinatawag. Silang mga hindi man lamang pinangalanan.

Hindi napangalanang manggagawa #1
Hindi napangalanang manggagawa #2
Hindi napangalanang manggagawa #3
Hindi napangalanang manggagawa #4
Hindi napangalanang manggagawa #5
Hindi napangalanang manggagawa #6
Hindi napangalanang manggagawa #7

Dapat bigyan ng award si Louie Cordero: "Exploiter of the Year."









An open letter to Pio Abad, the son of pork barrel king Butch Abad

Hello Pio Abad! Di mo ako kilala pero isa ako sa milyun-milyong kinokotongan ng gobyernong ito at ninanakawan ng mga politikong gaya ng erpat mo.

Nabasa ko ang open letter mo. Impernes, ang galing mo mag-English. Mukhang mahusay ang pagpapaaral sa 'yo. Teka teh, magkano nga ba ang tuition sa eskwelahang pinasukan mo sa Scotland?

Dito kasi sa state u, nasa 1,000 kada semestre ang ibinabayad ko pero hindi ko na naituloy ang pag-aaral ko kasi kailangan kong magtrabaho. Sinubukan ko ring mag-TESDA, pero hindi ko rin natapos. Gusto ko sanang mag-aral din sa Scotland, baka pwede rin akong maging artist kagaya mo.

Sabi mo sa sulat mo: "When my father was allegedly reaping the benefits of PDAF, I was flipping burgers in Burger King Queen Street Train Station. When the kickbacks from the BatanElCo project were supposedly setting me up for life, I was selling Subway sandwich coupons to people on the street and stacking books in the university library."

Nakakaawa ka naman. Habag na habag ako sa naging karanasan mo. Sana, sinubukan mo na ring suminghot ng rugby para maramdaman mo rin ang nararamdaman ng mga batang hamog sa EDSA.

Tangina, hindi pa ba sapat na pinag-aral ka sa Scotland para maisip naming mga ordinaryong tao na may mali sa ideyang government official ang tatay mo pero nakakapagpadala siya ng anak sa Europa para mag-aral? Magkano pamasahe, pre?

Puta. Lokohan ang gusto mo e. Suntukan na lang tayo!

Kinuha ko lang sa rappler to mga pre. Tandaan
nyo ang mukhang to. Malaki ang utang
sa atin ng mokong na to.

6.06.2014

Nikki Luna: Human rights advocate daw pero endorser din pala ng produktong notoryus sa human rights violations

Aba, bonggang-bongga itong si Nikki Luna, laging umaapir sa mga women's magazine. Huwaw, kakainggit much!

Wala namang kasong mag-pose, ayos nga e, napo-promote niya ang mukha niya. Mas pamilyar na ako ngayon sa mukha niya kaysa sa mga gawa niya. Chos.

Kailan lang pala'y nag-pose itong si Nikki gurl sa dalawang magazine. Lookie:

Ansabe? Human Rights Advocate daw si ateng!

Eto pa:

Huwaw, salamat daw sa Cream Silk! 

Human rights advocate ang peg ni Nikki Luna. Aba maraming aktibistang matutuwa sa kanya. Kaya lang, Cream Silk talaga teh? Hindi ba't notoryus sa human rights violations at mga labor issues ang Unilever na siyang producer ng Cream Silk?! Teh Nikki Luna, research-research din pag may time! Kapag multinational corporation ang kumuha sa peslak at namesung mo para mag-endorse, magduda ka na teh! Bawal ang engot sa panahon na 'to!

Hindi ko tuloy mapagtugma ang human rights advocacy ni Nikki Luna sa human rights violations ng Unilever sa mga karaniwang manggagawa sa mga third world na bansa. Nakakadismaya ka teh!!!


1.24.2014

Problema ni Dean Roland Tolentino, problema ng mga mayayaman.

Kawawa naman is Dean Roland Tolentino. Nagbayad daw kasi siya ng limandaang-buo sa taxi driver pero walang panukli ang mamang driver dahil maaga pa at first trip daw niya.

Nakakaawa si Dean Roland di ba? Sino ba namang hindi maii-stressed pag ganun? Tang-inang mga drayber yan, palibhasa dukha, walang panukli. Tangina di ba?



Ano kayang sasabihin ng Piston dito? Tangina lang e.

Taas-kamao lang, Dean Roland!



6.15.2013

"What an idiot!" -Aba Lluch Dalena

Nitong ika-23 lamamng ng Mayo ay nagpaumanhin si Bb. Aba Dalena. Sabi niya, hindi naman daw niya "sinasadya" at hindi naman daw niya "sinasabing tanga ang ma bumoboto." At "pasensya" na raw kung "tila gaoon ang dating" ng kanyang ipinahayag sa Facebook.


Nitong ika-10 ng Hunyo naman e ito ang sinabi ni Bb. Dalena:


"...My biggest disappointment is that our people still voted for them. When I posted about my disappointment about these corrupt leaders being reelected, a stranger blogged about my status and judged me as 'anti-poor.' What an idiot." -Aba Lluch Dalena

What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot. What an idiot.

What an idiot.

What an idiot.

What an idiot.

What an idiot.

What an idiot.

What an idiot.

What an idiot.

What an idiot.

What an idiot.

Sinegundahan ito Pablo Millan Jr. sa pamamagitan ng pagsasabing:


Akala ba talaga nina Bb. Aba Lluch Dalena at iba pa ay nananalo ang mga politikong tulad nina Erap at Gloria dahil talagang binoboto sila ng tao? Paano kung ang eleksyon ay isa lamang higanteng makinaryang ginagamit/kinokontrol ng mga makapangyarihan para manatili sila sa puwesto? Basahin n'yo nga po ito: http://pinoyweekly.org/new/2013/06/groups-slam-massive-poll-fraud-call-for-scrapping-of-pcos-machines-in-2016/